المعارج

Al-Ma'aarij

The Ascending Stairways · Surah 70 · Ayahs: 44 · Meccan

Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ

    Open ayah 70:1

    Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.

  2. لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ

    Open ayah 70:2

    Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang

  3. مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ

    Open ayah 70:3

    laban kay Allāh na may mga pampanik.

  4. تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ

    Open ayah 70:4

    Papanik ang mga anghel at ang Espiritu[1] sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.

    1. Si Anghel Gabriel.
  5. فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا

    Open ayah 70:5

    Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.[1]

    1. na walang panghihinawa at waking paghihinaing
  6. إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا

    Open ayah 70:6

    Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo

  7. وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا

    Open ayah 70:7

    samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,

  8. يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ

    Open ayah 70:8

    sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,[1]

    1. O lusaw na tanso, O lusaw na tingga, O lusaw na pilak.
  9. وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ

    Open ayah 70:9

    ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,

  10. وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا 

    Open ayah 70:10

    at walang magtatanong[1] na isang kaanak[2] sa isang kaanak,

    1. O manghihingi ng anuman
    2. O kaibigan.
  11. يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ

    Open ayah 70:11

    [bagamat] magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,

  12. وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ

    Open ayah 70:12

    at ng asawa niya at kapatid niya,

  13. وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ

    Open ayah 70:13

    at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,

  14. وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ

    Open ayah 70:14

    at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.

  15. كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ

    Open ayah 70:15

    Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,[1]

    1. Isa sa mga pangalan ng Impiyerno, tinawag itong Alab dahil nag-aalab ang apoy nito.
  16. نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ

    Open ayah 70:16

    na isang palatuklap ng anit,

  17. تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ

    Open ayah 70:17

    na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,

  18. وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ

    Open ayah 70:18

    at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito.

  19. ۞إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا

    Open ayah 70:19

    Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:

  20. إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا 

    Open ayah 70:20

    kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig

  21. وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا

    Open ayah 70:21

    at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,

  22. إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ

    Open ayah 70:22

    maliban sa mga nagdarasal,

  23. ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ

    Open ayah 70:23

    na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,

  24. وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ

    Open ayah 70:24

    at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman[1]

    1. O karapatan o bahagi.
  25. لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ

    Open ayah 70:25

    para sa nanghihingi at napagkaitan,

  26. وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ

    Open ayah 70:26

    at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagtutumbas,

  27. وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ

    Open ayah 70:27

    at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag

  28. إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ

    Open ayah 70:28

    – tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay –

  29. وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ

    Open ayah 70:29

    at na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,

  30. إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ 

    Open ayah 70:30

    maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila [ayon sa batas] sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi

  31. فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ

    Open ayah 70:31

    – ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag –

  32. وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ

    Open ayah 70:32

    at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat,

  33. وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ

    Open ayah 70:33

    at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,

  34. وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ

    Open ayah 70:34

    at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,

  35. أُوْلَٰٓئِكَ فِي جَنَّٰتٖ مُّكۡرَمُونَ

    Open ayah 70:35

    ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.

  36. فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ

    Open ayah 70:36

    Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali[1]

    1. O nakadunghal ang mga leeg.
  37. عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ

    Open ayah 70:37

    sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?

  38. أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ

    Open ayah 70:38

    Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?

  39. كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ

    Open ayah 70:39

    Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.

  40. فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ 

    Open ayah 70:40

    Kaya talagang sumusumpa Ako sa [sarili Ko bilang] Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan, tunay na Kami ay talagang Nakakakaya

  41. عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ

    Open ayah 70:41

    na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan.”

  42. فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ

    Open ayah 70:42

    Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila

  43. يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ

    Open ayah 70:43

    sa araw na lalabas sila mula sa mga puntod nang matutulin na para bang sila tungo sa mga dambana ay nagmamadali.

  44. خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ

    Open ayah 70:44

    Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila.