المدثر

Al-Muddaththir

The Cloaked One · Surah 74 · Ayahs: 56 · Meccan

Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ

    Open ayah 74:1

    O nagtatalukbong,[1]

    1. Nagtakip ang Propeta ng sarili dahil sa pagkatakot sa nakita.
  2. قُمۡ فَأَنذِرۡ

    Open ayah 74:2

    bumangon ka saka magbabala ka.[1]

    1. sa mga tao laban sa pagdurusang idudulot ni Allāh.
  3. وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ

    Open ayah 74:3

    Sa Panginoon mo ay dumakila ka.

  4. وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ

    Open ayah 74:4

    Sa mga damit mo ay magdalisay ka.

  5. وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ

    Open ayah 74:5

    Sa kasalaulaan[1] ay lumayo ka.

    1. Ibig sabihin: sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
  6. وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ

    Open ayah 74:6

    Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.

  7. وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ

    Open ayah 74:7

    Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.

  8. فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ

    Open ayah 74:8

    Kaya kapag nagpatunog sa trumpeta,

  9. فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ

    Open ayah 74:9

    iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,

  10. عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ 

    Open ayah 74:10

    sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.

  11. ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا

    Open ayah 74:11

    Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.

  12. وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا

    Open ayah 74:12

    Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak

  13. وَبَنِينَ شُهُودٗا

    Open ayah 74:13

    at mga anak na kapiling.

  14. وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا

    Open ayah 74:14

    Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaaalwan.

  15. ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ

    Open ayah 74:15

    Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.

  16. كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا

    Open ayah 74:16

    Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.

  17. سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا

    Open ayah 74:17

    Magpapabigat[1] Ako sa kanya ng isang pahirap.

    1. O Aatangan.
  18. إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ

    Open ayah 74:18

    Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.

  19. فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ

    Open ayah 74:19

    Kaya panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!

  20. ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ 

    Open ayah 74:20

    Pagkatapos panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!

  21. ثُمَّ نَظَرَ

    Open ayah 74:21

    Pagkatapos nagmasid siya.

  22. ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ

    Open ayah 74:22

    Pagkatapos nagkunut-noo siya at sumimangot siya.

  23. ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ

    Open ayah 74:23

    Pagkatapos tumalikod siya [sa pananampalataya] at nagmalaki siya.

  24. فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ

    Open ayah 74:24

    Kaya nagsabi siya: “Walang iba [ang Qur’ān na] ito ay kundi isang panggagaway na ipinapasa-pasa.

  25. إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ

    Open ayah 74:25

    Walang iba ito ay kundi sabi ng tao.”

  26. سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ

    Open ayah 74:26

    Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.

  27. وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ

    Open ayah 74:27

    Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?

  28. لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ

    Open ayah 74:28

    Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.

  29. لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ

    Open ayah 74:29

    Isang tagapagtupok ng mga balat,

  30. عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ 

    Open ayah 74:30

    sa ibabaw nito ay may labingsiyam [na anghel].[1]

    1. na mga tanod ng Impiyerno
  31. وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ

    Open ayah 74:31

    Hindi Kami naglagay[1] ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: “Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.

    1. O gumawa.
  32. كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ

    Open ayah 74:32

    Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,[1]

    1. Ang lahat ng mga panunumpa sa mga bagay na nasaad sa Qur’an ay panunumpa ni Allāh.
  33. وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ

    Open ayah 74:33

    sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,

  34. وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ

    Open ayah 74:34

    sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;

  35. إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ

    Open ayah 74:35

    tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa mga pinakamalaki

  36. نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ

    Open ayah 74:36

    bilang pagbabala para sa mga tao,

  37. لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ

    Open ayah 74:37

    para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na mauna o maantala.

  38. كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ

    Open ayah 74:38

    Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,

  39. إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ

    Open ayah 74:39

    maliban sa mga kasamahan ng kanan,

  40. فِي جَنَّٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ 

    Open ayah 74:40

    na sa mga Hardin ay magtatanungan sila

  41. عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ

    Open ayah 74:41

    tungkol sa mga salarin:

  42. مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ

    Open ayah 74:42

    “Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?”

  43. قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ

    Open ayah 74:43

    Magsasabi ang mga ito: “Hindi kami dati kabilang sa mga nagdarasal,

  44. وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ

    Open ayah 74:44

    hindi kami dati nagpapakain sa dukha,

  45. وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ

    Open ayah 74:45

    kami dati ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],

  46. وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ

    Open ayah 74:46

    at kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagtutumbas,

  47. حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ

    Open ayah 74:47

    hanggang sa pumunta sa amin ang katiyakan [ng kamatayan].”

  48. فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ

    Open ayah 74:48

    Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.

  49. فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ

    Open ayah 74:49

    Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?

  50. كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ 

    Open ayah 74:50

    Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,

  51. فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ

    Open ayah 74:51

    na tumakas mula sa isang leyon.

  52. بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ

    Open ayah 74:52

    Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.

  53. كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ

    Open ayah 74:53

    Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.

  54. كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ

    Open ayah 74:54

    Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.

  55. فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ

    Open ayah 74:55

    Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.

  56. وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ

    Open ayah 74:56

    Hindi sila nag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag magkasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.