المزمل

Al-Muzzammil

The Enshrouded One · Surah 73 · Ayahs: 20 · Meccan

Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ

    Open ayah 73:1

    O nakabalot,[1]

    1. Humiling ang Propeta na balutin siya dahil sa pagkatakot matapos na makita niya si Anghel Gabriel sa tunay na anyo nito.
  2. قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا

    Open ayah 73:2

    bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]:

  3. نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا

    Open ayah 73:3

    sa kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti,

  4. أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا

    Open ayah 73:4

    o magdagdag ka rito at bumigkas ka ng Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas.

  5. إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا

    Open ayah 73:5

    Tunay na Kami ay maglalahad sa iyo ng isang sinasabing mabigat.[1]

    1. sa pamamagitan ng Qur’an na ito.
  6. إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا

    Open ayah 73:6

    Tunay na ang pagbangon [sa pagdarasal] sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsasabi.

  7. إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا

    Open ayah 73:7

    Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba.

  8. وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا

    Open ayah 73:8

    Umalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.[1]

    1. O...at italaga mo ang sarili sa Kanya sa isang lubusang pagtatalaga.
  9. رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا

    Open ayah 73:9

    Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.

  10. وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا 

    Open ayah 73:10

    Magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang marikit.

  11. وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا

    Open ayah 73:11

    Hayaan mo Ako at ang mga tagapagpasinungaling na may biyaya at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.

  12. إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا

    Open ayah 73:12

    Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno,

  13. وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا

    Open ayah 73:13

    at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit,

  14. يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا

    Open ayah 73:14

    sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging [gaya] bunton ng buhanging gumuguho.

  15. إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا

    Open ayah 73:15

    Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo [na si Propeta Muḥammad] na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo [na si Moises].

  16. فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا

    Open ayah 73:16

    Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.

  17. فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا

    Open ayah 73:17

    Kaya papaano kayong magsasanggalang [ng mga sarili] kung tumanggi kayong sumampalataya sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?

  18. ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا

    Open ayah 73:18

    Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa.

  19. إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا

    Open ayah 73:19

    Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

  20. ۞إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ 

    Open ayah 73:20

    Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw [O Propeta Muḥammad] ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng gabi o [minsan] kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkatin kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon saka tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali [para sa inyo] mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal,[1] magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda.[2] Ang anumang ipanauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

    1. sa takdang oras nito
    2. Ibig sabihin: kusang-loob na paggugol sa kawanggawa o pagpapautang sa isang nangangailangang tao, nang walang patubo.