الزلزلة
Az-Zalzala
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا زُلۡزِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ زِلۡزَالَهَا
Open ayah 99:1Kapag ang kalupaan ay [sukdulang] mayanig sa [huling] paglindol nito,
وَأَخۡرَجَتِ ٱلۡأَرۡضُ أَثۡقَالَهَا
Open ayah 99:2At ang kalupaan ay magluwa ng mga nilalaman nito,
وَقَالَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا لَهَا
Open ayah 99:3At ang tao ay magsasabi: Ano kaya ang [nangyayari] sa kanya?
يَوۡمَئِذٖ تُحَدِّثُ أَخۡبَارَهَا
Open ayah 99:4Sa Araw na iyon, isasalaysay nito ang kanyang balita [o kaalaman],
بِأَنَّ رَبَّكَ أَوۡحَىٰ لَهَا
Open ayah 99:5Sapagka’t ang iyong Panginoon ay nag-utos sa kanya [na magsalita].
يَوۡمَئِذٖ يَصۡدُرُ ٱلنَّاسُ أَشۡتَاتٗا لِّيُرَوۡاْ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Open ayah 99:6Sa Araw na iyon ang mga tao ay magsisihangos sa magkahiwalay [na pangkat] upang ipakita [ang bunga] ng kanilang mga gawa.
فَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٍ خَيۡرٗا يَرَهُۥ
Open ayah 99:7Kaya, sinuman ang gumawa ng isang katiting na timbang ng kabutihan, 3 ito ay [kanyang tiyak na] matutunghayan.
وَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ شَرّٗا يَرَهُۥ
Open ayah 99:8At sinuman ang gumawa ng isang katiting na timbang ng kasamaan, 4 ito ay [kanyang tiyak na] matutunghayan.