العاديات
Al-Aadiyaat
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا
Open ayah 100:1[Isinusumpa Ko] sa [mga kabayong] rumaragasa, [at] humihingal,
فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا
Open ayah 100:2Sa mga tagapagdulot ng tilamsik ng Apoy [kapag ang mga paa ay] kumakaskas [sa pagtakbo],
فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا
Open ayah 100:3At sa mga lumulusob sa madaling araw,
فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا
Open ayah 100:4Binubulabog ang [mga makakapal na] alikabok,
فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا
Open ayah 100:5[Nagpupumilit siyang] makalapit sa gitnang [pinagtataguan ng mga kaaway] nang magkakasama.
إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ
Open ayah 100:6Katotohanan, ang tao ay walang utang na loob sa kanyang Panginoon.
وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ
Open ayah 100:7At katotohanan, sa [kanyang sariling asal at gawa na] iyan, siya ay isang saksi.
وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ
Open ayah 100:8At katotohanan, siya ay masidhi sa pagmamahal sa yaman.
۞أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ
Open ayah 100:9Nguni’t hindi ba niya nalalaman na kapag ang mga laman ng mga libingan ay iniluwa,
وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ
Open ayah 100:10At ang nilalaman ng mga dibdib [ng tao] ay mabunyag.
إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ
Open ayah 100:11Katotohanan, ang kanilang Panginoon sa Araw na iyon, ay lubos na nakababatid sa kanila.