البينة

Al-Bayyina

The Evidence · Surah 98 · Ayahs: 8 · Medinan

Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

  1. لَمۡ يَكُنِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ مُنفَكِّينَ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ

    Open ayah 98:1

    Yaong mga di-naniniwala mula sa mga Angkan ng Kasulatan [Hudyo at Kristiyano] at Mushrikun [mga nagtatambal], ay hindi magsisitigil [sa maling paniniwala] hanggang hindi dumarating sa kanila ang malinaw na katibayan

  2. رَسُولٞ مِّنَ ٱللَّهِ يَتۡلُواْ صُحُفٗا مُّطَهَّرَةٗ

    Open ayah 98:2

    Isang Sugo [Muhammad] mula sa Allah, bumibigkas ng mga kasulatang dalisay,

  3. فِيهَا كُتُبٞ قَيِّمَةٞ

    Open ayah 98:3

    Dito [ay napapaloob] ang mga wastong batas [na nagmula sa Kanya],

  4. وَمَا تَفَرَّقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ

    Open ayah 98:4

    At hindi nagkahati-hati [sa iba’t ibang sekta] yaong mga pinagkalooban ng kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] maliban pagkaraan lamang na dumating sa kanila ang malinaw na katibayan.

  5. وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلۡقَيِّمَةِ

    Open ayah 98:5

    At walang ipinag-utos sa kanila maliban na sila ay nararapat sumamba sa Allah, [maging] matapat sa Kanya sa relihiyon, [at sila ay inuutusang] manindigan para sa katotohanan, at [sila ay] magsagawa ng pagdarasal, at magbigay ng kawanggawa. At iyan ang matuwid na relihiyon.

  6. إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ شَرُّ ٱلۡبَرِيَّةِ

    Open ayah 98:6

    Katotohanan, yaong mga di-naniniwala mula sa mga Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] at Mushrikun [mga nagtatambal] ay mamamalagi roon sa Impiyerno - sila yaong mga pinakamasamang nilikha,

  7. إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ خَيۡرُ ٱلۡبَرِيَّةِ

    Open ayah 98:7

    Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, sila yaong [itinuturing bilang] mga pinakamabuting nilikha.

  8. جَزَآؤُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ رَبَّهُۥ

    Open ayah 98:8

    Ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon ay ang Paraisong Eden [walang katapusan] na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, na kung saan sila ay mamamalagi roon nang walang hanggan. Ang Allah ay nasisiyahan sa kanila at [gayon din naman] sila sa Kanya. Iyan ay