البلد
Al-Balad
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Open ayah 90:1Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Open ayah 90:2habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah].
وَوَالِدٖ وَمَا وَلَدَ
Open ayah 90:3Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya,
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ
Open ayah 90:4talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.
أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٞ
Open ayah 90:5Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?
يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالٗا لُّبَدًا
Open ayah 90:6Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.”
أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ
Open ayah 90:7Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ
Open ayah 90:8Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,
وَلِسَانٗا وَشَفَتَيۡنِ
Open ayah 90:9isang dila, at dalawang labi?
وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ
Open ayah 90:10Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan].
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ
Open ayah 90:11Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ
Open ayah 90:12Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?
فَكُّ رَقَبَةٍ
Open ayah 90:13[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,
أَوۡ إِطۡعَٰمٞ فِي يَوۡمٖ ذِي مَسۡغَبَةٖ
Open ayah 90:14o pagpapakain sa isang araw na may taggutom
يَتِيمٗا ذَا مَقۡرَبَةٍ
Open ayah 90:15sa isang ulilang may pagkakamag-anak
أَوۡ مِسۡكِينٗا ذَا مَتۡرَبَةٖ
Open ayah 90:16o sa isang dukhang may paghihikahos.
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ
Open ayah 90:17Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Open ayah 90:18Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Open ayah 90:19Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.
عَلَيۡهِمۡ نَارٞ مُّؤۡصَدَةُۢ
Open ayah 90:20Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.