الشمس
Ash-Shams
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا
Open ayah 91:1Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,[1]
- O Sumpa man sa araw at sa pang-umagang liwanag nito,
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا
Open ayah 91:2sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا
Open ayah 91:3sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon,
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰهَا
Open ayah 91:4sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon,
وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا
Open ayah 91:5sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,
وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا
Open ayah 91:6sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,
وَنَفۡسٖ وَمَا سَوَّىٰهَا
Open ayah 91:7sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,
فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا
Open ayah 91:8saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا
Open ayah 91:9nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito
وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا
Open ayah 91:10at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito.
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَآ
Open ayah 91:11Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا
Open ayah 91:12nang sumugod ang pinakamalumbay nito.
فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡيَٰهَا
Open ayah 91:13Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].”
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَيۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا
Open ayah 91:14Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].
وَلَا يَخَافُ عُقۡبَٰهَا
Open ayah 91:15Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.