الليل
Al-Lail
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ
Open ayah 92:1Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ
Open ayah 92:2sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ
Open ayah 92:3sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;
إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ
Open ayah 92:4tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.
فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ
Open ayah 92:5Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala
وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
Open ayah 92:6at nagpatotoo sa pinakamaganda,[1]
- Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ
Open ayah 92:7magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali;
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ
Open ayah 92:8at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili
وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ
Open ayah 92:9at nagpasinungaling sa pinakamaganda,[1]
- Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ
Open ayah 92:10magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.
وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ
Open ayah 92:11Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?
إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ
Open ayah 92:12Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.
وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 92:13Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.
فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارٗا تَلَظَّىٰ
Open ayah 92:14Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.
لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى
Open ayah 92:15Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,
ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ
Open ayah 92:16na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod.
وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى
Open ayah 92:17Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,
ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ
Open ayah 92:18na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan]
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٖ تُجۡزَىٰٓ
Open ayah 92:19at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,
إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Open ayah 92:20bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.
وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ
Open ayah 92:21Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh].