الضحى
Ad-Dhuhaa
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلضُّحَىٰ
Open ayah 93:1Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga],
وَٱلَّيۡلِ إِذَا سَجَىٰ
Open ayah 93:2sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ
Open ayah 93:3hindi namaalam sa iyo [O Propeta Muḥammad] ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.
وَلَلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ
Open ayah 93:4Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.
وَلَسَوۡفَ يُعۡطِيكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰٓ
Open ayah 93:5Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.
أَلَمۡ يَجِدۡكَ يَتِيمٗا فَـَٔاوَىٰ
Open ayah 93:6Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?
وَوَجَدَكَ ضَآلّٗا فَهَدَىٰ
Open ayah 93:7Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya [sa iyo].
وَوَجَدَكَ عَآئِلٗا فَأَغۡنَىٰ
Open ayah 93:8Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.
فَأَمَّا ٱلۡيَتِيمَ فَلَا تَقۡهَرۡ
Open ayah 93:9Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig [sa kanya].
وَأَمَّا ٱلسَّآئِلَ فَلَا تَنۡهَرۡ
Open ayah 93:10Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy [sa kanya].
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ
Open ayah 93:11Hinggil naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsanaysay ka.