العلق
Al-Alaq
Translation: Tagalog - The Quran Translation (Salas & Taron) · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
Open ayah 96:1Basahin [o bigkasin] mo! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha –
خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
Open ayah 96:2Lumikha sa tao mula sa isang namuong [kimpal ng] dugo.
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
Open ayah 96:3Basahin [o bigkasin] mo, at ang iyong Panginoon ay Lubos na Mapagbigay,
ٱلَّذِي عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
Open ayah 96:4Na nagturo [sa paggamit] ng panulat,
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَٰنَ مَا لَمۡ يَعۡلَمۡ
Open ayah 96:5[Siya na] nagturo sa tao ng [mga bagay na] hindi niya nalalaman.
كَلَّآ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَيَطۡغَىٰٓ
Open ayah 96:6Nguni’t, katotohanan, ang tao ay [labis na] sumusuway [sa takdang hangganan],
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰٓ
Open ayah 96:7Sapagka’t kanyang nakikita ang kanyang sarili na sapat [nag-aakalang siya ay walang pangangailangan].
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰٓ
Open ayah 96:8Katotohanan, sa iyong Panginoon ang pagbabalik [ng lahat].
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يَنۡهَىٰ
Open ayah 96:9Nakita mo ba ang isang nagbabawal,
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰٓ
Open ayah 96:10Sa isang alipin kapag ito ay nagdarasal?
أَرَءَيۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰٓ
Open ayah 96:11Nakita mo ba kung siya ay nasa [tamang] patnubay,
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰٓ
Open ayah 96:12O nag-uutos ng pagkakaroon ng takot [sa Allah]?
أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ
Open ayah 96:13Nakita mo ba kung siya ay nagtakwil at tumalikod?
أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ
Open ayah 96:14Hindi ba niya nababatid na ang Allah ay [ganap na] nakakikita?
كَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ
Open ayah 96:15Subali’t, kung siya ay hindi magtitigil, katiyakang siya ay Aming kakaladkarin sa [buhok na nakalawit sa kanyang] noo -
نَاصِيَةٖ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٖ
Open ayah 96:16Isang sinungaling, makasalanang noo.
فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ
Open ayah 96:17Kaya hayaan siyang manawagan sa kanyang mga kasamahan,
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ
Open ayah 96:18Aming tatawagin ang mga anghel ng Impiyerno [upang siya ay harapin].
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب۩
Open ayah 96:19Nguni’t, huwag kang sumunod sa kanya, [bagkus] ikaw ay magpatirapa at humayong lumapit [sa Allah].