الفاتحة
Al-Faatiha
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Open ayah 1:1Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
- Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Open ayah 1:2Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[1] ng mga nilalang,[2]
- Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa.
- Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Open ayah 1:3ang Napakamaawain, ang Maawain,
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Open ayah 1:4ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Open ayah 1:5Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Open ayah 1:6Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
Open ayah 1:7ang landasin ng mga biniyayaan[1] Mo,[2] hindi ng mga kinagalitan,[3] at hindi ng mga naliligaw.[4]
- Ang mga biniyayaan dito ay ang mga propeta, ang mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos.
- Sa istilo ng pagsasalin dito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Ko, Akin, Ikaw, Mo, Iyo ay tumutukoy kay Allāh.
- Sila ay ang mga nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito.
- Sila ay ang mga naligaw sa katotohan, na hindi napatnubayan.