المسد
Al-Masad
Translation: Rowwad Translation Center · Open the surah
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
تَبَّتۡ يَدَآ أَبِي لَهَبٖ وَتَبَّ
Open ayah 111:1Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab[1] at napahamak siya!
- Ang tiyuhin ng Propeta, na isa sa mga pinakamasugid na kaaway ng Islam.
مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُ مَالُهُۥ وَمَا كَسَبَ
Open ayah 111:2Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.
سَيَصۡلَىٰ نَارٗا ذَاتَ لَهَبٖ
Open ayah 111:3Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab
وَٱمۡرَأَتُهُۥ حَمَّالَةَ ٱلۡحَطَبِ
Open ayah 111:4at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,
فِي جِيدِهَا حَبۡلٞ مِّن مَّسَدِۭ
Open ayah 111:5habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.